Paano Gumawa ng Sariling GoSakto Promo
Sa GoSakto on the go, ikaw ay panalo!
Sa wakas, ipinakilala na rin ng
Globe Telecom ang isa sa pinakabago nilang breakthroughs pagdating sa prepaid
service. At sigurado ako na papatok ito sa ating masa, lalo na sa ating mga
suking prepaid subscribers na nagkakaroon ng problema magsaulo ng iba’t ibang
codes.
Ang GoSakto ay isang
napakagandang ideya na tiyak ay makatutulong nang malaki sa ating mobile users
sapagkat ‘di lamang mapapagaan ang kanilang buhay, ay mabibigyan pa sila ng
kapangyarihang gumawa ng kanilang sariling promo na sakto sa kanilang personal
na pangangailangan at swak na swak pa sa kanilang budget.
‘Di na kailangang alalahanin ang
masasayang na load dala ng mga limitadong promos, sa GoSakto, ikaw mismo ang may
hawak sa dami at haba ng serbisyong iyong matatanggap. Hanep, ‘di ba?! At kung hindi
ka pa bilib, bakit hindi mo subukang tantyahin ang magagastos mo sa loob ng
isang buwan gamit ang GoSakto
Data Calculator upang malaman mong ika’y nakatipid.
Madali lang mag- avail ng
GoSakto; nasaan ka man o kung anong oras mo nais pakinabangan, pwede!
At may
tatlong paraan para gawin ito: maaaring sa website mismo ng Globe, sa Facebook app
nito o kaya naman ay diretso mula sa iyong mobile phone.
Halimbawa: Unlicalls to Globe/ TM, 50 texts to all networks, 20 MB
browsing for P24.00 – 1 day
Panuorin ang inilaang video para
sa nasabing promo. Panoorin ang simpleng instruksyon upang ‘di magkamali sa pag-
avail ng nais na promo.
Comments